Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

Muling Magkikita

Binisita ko sa ospital ang kaibigan kong si Jacquie. Tatlong taon na siyang nakikipaglaban sa sakit na kanser. Noong wala pa siyang sakit, masiyahin siya at punung-puno ng buhay. Pero ngayon ay tahimik na siya at hindi masyadong makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya nang bisitahin ko siya kaya binuklat ko na lamang ang Biblia at…

Palaging Magkasama

Napansin ko sa isang recital na nagbigay ng mga huling paalala ang isang guro sa kanyang estudyante bago sila magtanghal. Tumugtog ang bata ng isang simpleng tugtugin. Sinabayan siya ng kanyang guro para mas maging maganda ang musika. Nasiyahan ang guro sa estudyante sa pagtatapos ng kanilang pagtugtog.

Tulad din naman ng isang dueto o pagtatanghal ng dalawang tao ang…

Kahabagan Sa Iba

Tungkulin ng kaibigan kong si Ellen ang pag-aasikaso sa sahod ng mga empleyado sa isang kompanya. Tila madali lang ang trabaho niya pero may pagkakataong nahuhuli ang mga may-ari ng kompanya sa pagsusumite ng mga kailangang dokumento. Dahil dito, nagtatrabaho si Ellen ng mas matagal para matanggap ng mga empleyado ang sahod nila sa tamang oras. Ginagawa niya ito bilang…

Namamagitan

Minsan, pumasok kami ng aking pamilya sa isang kainan. Habang inihahain ng crew ang aming pagkain, tinanong ng asawa ko kung ano ang pangalan nito. Pagkatapos, sinabi ng aking asawa, “Nananalangin kaming pamilya bago kumain, may gusto ka bang ipanalangin namin para sa’yo?” Napatingin sa amin si Allen na may halong pagkagulat at pagkabalisa. Matapos ng ilang sandaling pananahimik, sinabi…

Alam Niya Ang Lahat Ng Ito

Dalawang taon sa amin si Finn, ang alaga naming isda. Madalas itong kausapin ng aming batang anak na babae, pagkatapos pakainin ang isda sa aquarium. Ipinagmamalaki rin niya si Finn sa klase kapag alagang hayop na ang pinag-uusapan. Kaya ganoon na lang ang dalamhati niya nang namatay ito.

Payo ng nanay ko, pakinggan ko daw nang mabuti ang damdamin ng…